Kumbinsido si Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na may naganap na grand conspiracy sa likod ng kontrobersyal na 990 kilograms drug haul ng Philippine National Police noong October 2022.
Maaalalang naaresto sa buy bust operation si PMSG Rodolfo Mayo sa Quiapo, Manila at nasamsam ang 6.7 billion na halaga ng illegal na droga.
Sa press briefing sa Malacañang, inilatag ng Department of Justice pagkasunod-sunod ng mga pangyayari at ang mga nakalap na ebidensya.
Iniulat rin ng ahensya na nasampahan na ng kaso ang nasa 30 mga pulis na sangkot sa naturang drug haul.
Napagalaman sa imbestigasyon na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng mga generals at police personnel na kabilang sa naturang operasyon. – Sa panulat ni john Riz Calata