Mangungutang ng higit $300-M ang pamahalaan para may ipambili ng bakuna kontra COVID-19 oras na may makagawa na nito.
Sa lingguhang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na uunahin ng pamahalaan na mabakunahan ang mga mahihirap nating kababayan.
Paliwanag ng Pangulo, ang mga pamilyang kabilang sa ‘a, b, at c’ ay kayang makabili ng bakuna para sa kanilang mga sarili.
‘Yun yung mga milyonaryo, mga multimillionaire… ‘Yung mga nasa C, they are in a bracket which we think is pretty good to buy the medicines for themselves,” pahayag ng Pangulong Duterte.
Mismong si Finance Secretary Carlos Dominguez III pa aniya ang nagsabi na mangungutang ang bansa para ipambili ng bakuna.
Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila,” dagdag ng Pangulo
Kasunod nito, nangako si Pangulong Duterte na gagastusan ng pamahalaan ang pagpapabakuna sa Pilipino, kaya’t uumpisahan anito sa mga mahihirap nating kababayan.
Sa ngayon, magbili ka. Mahal. As I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya nga uumpisahan natin sa mga mahihirap pataas. . . . Iyong A,B crowd hindi na tayo mag gastos dyan kasi mga milyonaryo na yan,” pahayag ng Pangulo
Pero ayon sa Pangulo, maghintay lang kung kailan masisimulan ang pagbabakuna, dahil problema aniya ang suplay na pagkukunan nito dahil magpahanggang sa ngayon ay wala pa ring nakakagawa ng bakuna laban sa nakamamatay na virus.
Sa huli, iginiit ng Pangulo na hindi na siya natatakot na madapuan ng virus kahit wala pang bakuna.
Nais lang ani ng Pangulo na siguruhin ang kapakanan ng mga susunod na henerasyon laban sa virus.
The vaccine, there is hope for mankind pero ako, wala pang bakuna, hindi na ako takot,” he said. “But for the succeeding generations… I’m quite confident with the thought that they have a refuge which they can take shelter dito sa COVID storm,” ani Pangulong Duterte