Iginiit ng Department of Health (DOH) na marami na ang nagagawa ng pamahalaan para tugunan ang pangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino sa gitna ng nararanasang pandemya bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, wala namang bansa na napaghandaan ng husto ang pagkalat ng naturang nakahahawang sakit.
Aminado rin aniya sila na nahirapan ang ahensya sa pangangalap ng datos noong nagsisimula pa lamang ang pandemya sa bansa.
Bukod dito ay marami pa umanong pagsubok ang kanilang dinaraanan ngayon sa gitna ng pagtugon sa COVID-19 ng bansa.
Gayuman, sinisikap ng DOH na gawin ang lahat upang mapabuti ang kalagayan ng kalusugan ng lahat ng Pilipino.