Nagbigay ng paliwanag ang pamahalaan sa hindi pag-imbita ng America kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa inagurasyon ni incoming US President Donald Trump.
Ayon kay American Affairs Assistant sec. JV Gonzaga, sadyang hindi inaanyayahan ng US government ang heads of state sa inauguration ceremonies kung saan ang resident ambassadors aniya sa Washington DC ang inaasahang dadalo sa inagurasyon bilang kinatawan ng kani-kanilang mga bansa.
Gayunman, sinabi ni Gonzaga na may prerogative pa rin si Trump na imbitahan ang ilang lider at hindi pa rin aniya ito maituturing na “snub” para sa mga hindi makatatanggap ng imbitasyon.
Samantala, magsisilbing kinatawan ni Pangulong Marcos si Philippine Ambassador to the USA Jose Manuel Romualdez sa inauguration ni Trump sa January 20. – Sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)