Kasado na ngayong buwan ang pagpapatupad ng one percent contribution rate hike ng Social Security System.
Ayon kay SSS President at CEO Robert Joseph De Claro, ang pagtataas ng kontribusyon ay alinsunod sa Republic Act no. 11199 o ang Social Security Act of 2018.
Ang kontribusyon anya ay tataas sa 15% mula sa kasalukuyang 14%.
Kasabay nito, inanunsyo ni SSS President De Claro na tataas din ang minimum monthly salary credit sa P5,000 mula P4,000 habang ang maximum MSC ay aakyat din sa 35,000 pesos mula sa 30,000 pesos.
Ipinunto ng SSS Official na ang hakbang na ito ay bahagi ng mga reporma upang manatiling matatag ang pondo ng ahensya. - Sa panulat ni Kat Gonzales