Maraming aral ang iniwan ng pananalasa ng super typhoon Yolanda, tatlong taon na ang nakararaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tuluy-tuloy ang tulong ng pamahalaan para sa pagbangon ng ating mga kababayang naapektuhan ng super bagyo.
Tiniyak ng Palasyo na sa ilalim ng administrasyong Duterte ay hindi mahahaluan ng pulitika ang pagtugon sa mga tinamaan ng kalamidad.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella
Kasabay nito, pinasalamatan ng Malacañang ang lahat ng mga naging katuwang ng pamahalaan para sa pagbangon ng Yolanda victims.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella
By Ralph Obina | Aileen Taliping (Patrol 23)