Nakahanda ang pamahalaan sa anumang posibleng pagganti ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
Ito ay ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon matapos ang pagkaka-aresto sa ilang matataas na opisyal ng komunistang grupo.
Ayon kay Esperon, ang bantang pan-seguridad ang laging nariyan dahil matagal na naman aniyang umaatake ang mga NPA gaya ng panununog ng mga construction equipment, plantasyon at iba pa.
Binigyang diin din ni Esperon na walang nilalabag ang pamahalaan sa pagkakaaresto sa consultant ng National Democratic Front o NDF na si Rafael Baylosis.
—-