Patuloy na nananawagan ang pamahalaan na sana makapagbakuna na ng booster shot ang mga kwalipikadong makatanggap nito.
Ito ang inihayag ni presidential adviser on entrepreneurship Joey Concepcion, may epekto rin umano kasi ito sa ekonomiya na kung hindi tataas ang numero ng mga dapat na makakuha ng booster shot lalo’t humihina ang primary doses.
Aniya, kung hindi tataas ang bilang ng mga nakatanggap ng booster dose, baka dito magkaroon ng surge na tiyak na may epekto sa ekonomiya ng bansa.
Kung magsasara muli ang mga negosyo dahil sa Alert level 3 at 4, tiyak na masisira ang takbo ng ekonomiya.
Bukod dito, posibleng mahagip din ang mga bayarin natin gaya ng utang na dapat bayaran sa mga bangko at ibang bansa.