Nanganganib mawalan ng mahigit sa P90-B kita ang pamahalaan.
Babala ito ng National Economic Development Authority (NEDA) sakaling magtagal hanggang Hunyo ang banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, tinatayang nasa 1.4 milyon ang mawalang turista ngayong taon dahil sa COVID-19.
Samantala, nasa 30,000 hanggang 50,000 trabaho rin anya ang nanganganib na mawala dahil sa epekto ng COVID-19 sa negosyo.