Nagpapatuloy pa rin ang masusing imbestigasyon ng Department of Justice sa mga kaso ng extrajudicial killings na iniuugnay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Justice Undersecretary Raul Vasquez, may mga kaso nang natukoy na posibleng may kinalaman sa EJK.
Gayunman, patuloy pa rin aniya ang isinasagawang pagsusuri sa mga ito upang matiyak na may sapat na ebidensya para makasuhan ang mga posibleng sangkot sa kaso.
Binigyan-diin pa ni Usec. Vasquez na layunin ng departamento na hindi lamang makapagsampa ng kaso kundi matiyak na magtatagumpay ito sa korte at hindi mapapawalang-saysay dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Matatandaang noong Nobyembre, bumuo ang DOJ ng isang task force upang muling repasuhin ang mga kaso ng EJK na may kaugnayan sa war on drugs ng nakaraang administrasyon. – Sa panulat ni Kat Gonzales