Mas mahigpit na panuntunan ang ipinatutupad ng Hong Kong government sa mga biyahero mula sa Pilipinas.
Sa anunsyo ng konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, simula sa July 25 ay may mga karagdagang requirements nang hihingin sa mga Pilipinong papasok sa Hong Kong.
Una rito ang pagpapasailalim sa nucleic acid test, 72 oras bago ang biyahe.
Kailangan ring mag prisinta ng sertipikasyon mula sa isang laboratoryo na nagpapakitang negatibo sa COVID-19 ang pasahero at sertipikasyon mula sa kaukulang ahensya ng pamahalaan na nagpapatunay na accredited ang laboratoryong naglabas ng resulta.
Mahalaga rin anila na nasa sertipikasyon ng laboratoryo ang passport ID o number ng biyahero.