Suportado ng pamahalaan ng Sweden ang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na gawing prayoridad ang road safety o kaligtasan sa kalsada.
Ayon kay Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg, mahalaga na makamit ang katarungan ng mga nasasangkot sa road crash para sa katahimikan ng pamilya ng mga biktima.
Sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista, na nararapat lang na mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng road crash o mga naitatalang aksidente sa mga pangunahing kalsada sa bansa.
Sa datos ng ahensya, nasa 12,000 Pinoy ang namamatay kada taon, dahil sa aksidente sa kalsada.
Iginiit pa ng ahensya na hindi lamang trauma ang posibleng idulot ng aksidente sa mga biktima kundi maging ang sanhi sa social cost na nagreresulta sa economic loss, productivity loss na dulot ng pagkamatay, pagkakasakit at pagkasugat ng mga biktima.