Aabot sa 10K capsules ng Molnupiravir ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Taguig City para sa mga residenteng tinamaan ng COVID-19.
Layunin nito na mapababa ang hospitalization rate ng lungsod.
Maaaring makahingi ng oral na gamot para sa COVID-19 ang mga pasyente sa lungsod sa pamamagitan ng pagtawag sa telemedicine.
Ihahatid ang naturang gamot mismo sa mga bahay ng mga pasyente ngunit bago ito ay susuriin muna sila ng doktor.
Batay sa datos nitong January 23, mayroong 599 na mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Taguig City.