Nagsimula na ang lokal na pamahalaan ng Taguig na mamahagi ng food packs sa mga residente bilang paghahanda sa pag-iral ng ECQ sa Metro Manila.
Bawat food packs ay naglalaman ng bigas, canned goods, kape, energy drink at instant noodles na maaaring makonsumo sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.
Tiniyak naman ni Mayor Lino Cayetano na lahat ng pangangailangan ng bawat pamilya sa kanilang lugar ay matutugunan at maipamamahagi ng maayos ang kanilang ayuda mula sa gobyerno.
Kasabay nito, hinikayat ni Cayetano ang mga residente ng taguig na hindi pa nakakapagpabakuna na samantalahin na ang panahon ng ECQ para makapagpaturok na laban sa COVID-19.