Hinikayat ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang pamahalaan na pag-isipang mabuti at maglatag ng sistema bago pabuksan ang mga negosyo sa bansa.
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis, pangulo ng ECOP, dapat ay kumonsulta muna ang pamahalaan sa mga eksperto sa logistics bago pinayagan ang pagbubukas ng mga negosyo tulad ng mga pabrika.
Hindi anya naisip ng pamahalaan na symnapung porsyento ng mga negosyo sa bansa ay micro o maliliit lamang na walang kakayanang maglaan ng masasakyan ng kanilang mga empleyado.
Sa ngayon, sinabi ni Ortiz-Luis na mas marami pa ring negosyo ang nananatiling sarado kahit pa pinapayagan na sila ng pamahalaan na muling makapag-operate.
Siguro hirap silang ayusin ang transportasyon, hindi nila alam ang gagawin nila. Dapat sana nagkonsulta sila sa mga experts sa logistics kung paano gagawin. Pinakamadaling sabihin ‘yung wala nalang tatakbong sasakyan para ma-maintain… hindi nila alam magkakagulo,” ani Ortiz-Luis.
Ayon kay Ortiz-Luis, malaking kabawasan sa gastusin ng pamahalaan kung makapagbubukas na ang mayorya ng mga negosyo sa bansa dahil mababawasan ang mga dapat nilang bigyan ng ayuda.
Kung day 1, maraming pumasok, let’s say 500,000 ang nakapasok. 500,000 na ang hindi pagkakagastahan ng gobyerno na hindi kailangang buhayin at pakainin. Saying ‘yung pagkakataon makakatipid ang gobyerno. Wala kaming nirerequest, ang sinasabi lang naming, kung gusto natin na makatipid ang gobyerno –mas matipid sa ekonomiya, matipid nsa gobyerno, gawan ng remedyo na ‘yung mga kumpanya na hindi kayang magbukas ay tulungan. Iayos ang sasakyan –kung kailangan ang mass transportation, pag-isipang mabuti,” ani Ortiz-Luis. –sa panayam ng Ratsada Balita