Mas lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa child trafficking.
Ito’y kasunod ng pagtatapos ng huling high-level dialogue sa pagitan ng mga opisyal ng Pilipinas at Estados Unidos na may kaugnayan sa US-Philippines Child Protection Compact (CPC) Partnership.
Sa nasabing diyalogo, pangunahing tinalakay ang pag-iimbestiga at pag-usig sa mga kasong may kinalaman sa online sexual exploitation of children (OSEC).
Kabilang din sa mga tututukan ay ang pagtukoy at pagtugon sa mga kasong may kinalaman sa child labor trafficking at pagkakaloob ng tulong sa mga biktima.