Patuloy paring naghahanap ng karagdagang pondo ang pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette.
Kasunod ito ng naging kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Local Chief Executive na sinalanta din ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Ayon kay Duterte, bigyan pa sana ang gobyerno ng karagdagang panahon, kung saan, plano nilang makabuo ng PHP 2B pondo na agad ipalalabas para mabilis na maibigay sa mga nasalanta.
Dagdag pa ni Duterte, dahil malapit nang matapos ang taon, ang budget at ang malaking bahagi ng pondo ay ibinuhos na nila sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, mapipilitan silang bawasan ang budget ng lahat ng available appropriations, lalo na ang mga pondong hindi nagamit o mga proyektong hindi maayos ang takbo upang ilaan sa mga pamilyang apektado ng pananalasa ng bagyong Odette. —sa panulat ni Angelica Doctolero