Pinaalalahanan ng pamahalaan ang mga Pilipinong nasa China na huwag munang tumalakay ng usaping pulitikal sa mga pampublikong lugar maging sa social media.
Ito’y bilang paghahanda sa posibleng hindi kaaya-ayang reaksyon sa sandaling ibaba na ng UN Arbitral Tribunal ang hatol nito kaugnay sa agawan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea.
Sa pamamagitan ng text message, pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa China ang mga Pilipinong naroon na laging dalhin ang kanilang mga Pasaporte at Residency Permit.
Agad din daw nilang ipagbigay-alam sa Embahada at pulisya ang anumang hindi magandang insidente.
Inaasahang iaanunsyo ng Permanent Court of Arbitration ang hatol nito sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng kanilang territorial dispute.
By: Avee Devierte