Pinag-aaralan ng gobyerno ang pagbili ng booster shots ng Moderna para sa COVID-19.
Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang naturang booster na ginagawa ngayon ng moderna ay maaaring gamitin kahit na sinovac o gamaleya pa ang naunang iturok sa isang tao.
Sa halip aniya na karagdagang bakuna ang bilhin, ikinokonsidera nilang bumili na lamang ng limang milyong booster shots ng Moderna.
Posible umanong dumating ang mga booster shot na ito sa bansa sa Setyember o Oktubre ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, posible maantala ang pagdating nito sa pilipinas dahil sa mahigpit na polisiya ng Estados Unidos kaugnay sa pag-export ng mga bakuna.