Dapat na maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbaba ng alert level classification.
Ito ang inihayag ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians, sa panayam ng DWIZ.
Aniya, sang-ayon silang panatilihin ang COVID-19 alert level 1 at mas mainam aniya na magbaba ng alert level pagkatapos ng eleksyon.
Muli ring iginiit ni Limpin ang patuloy na pagsusuot ng face masks upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.