Pinagkokomento ng Korte Suprema ang pamahalaan sa petisyon na inihain ng Makabayan bloc na idinedeklara ang Chico River Irrigation Project na pinopondohan ng China na ‘unconstitutional’.
Sa kautusan ng mataas na korte, binibigyan ng sampung araw para magkomento sa nasabing petisyon.
Matatandaang naghain ng reklamo ang mga miyembro ng makakaliwang grupo upang maglabas ito ng temporary restraining order (TRO) sa nasabing proyekto.
Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sasagutin ng Malakanyang ang nasabing kautusan ng SC.
Umaasa naman si dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na mag-iisyu ng TRO ang Korte Suprema upang pigilan ang konstruksyon ng Chinese-funded na Chico River Irrigation Project.