Mas pinaigting ng pamahalaan ang mga hakbang laban sa panibagong sakit na Monkeypox virus.
Ayon kay Infectious Diseases Expert Dr. Edsel Salvana ng Department of Health (DOH), nagsasagawa na ng border control kung saan, mahigpit na sinusuri ang mga dayuhan at mga Pilipino bago bumiyahe o sumakay ng eroplano.
Sinabi ni Salvana na siniguro ng pamahalaan na walang sintomas ang lahat ng mga bibiyahe papasok at palabas ng bansa.
Dagdag pa ni Salvana, na mayroong strategy ang mga Local Government Units (LGUs) kung saan, isinasailalim sa testing, contact tracing at pagbabakuna ang mga magpapakita ng sintomas ng Monkeypox virus.
Ang hakbang na ginagawa ng gobyerno ay may layuning makontrol o mapigilan ang pagpasok ng naturang sakit sa Pilipinas.