Balak na ng pamahalaan na gamitin ang antigen test sa mga isinasagawang house-to-house visitations sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, handa na ang gobyerno na bumili ng nasa 500,00 antigen test kits upang mapag-ibayo pa ang mga COVID-19 testing sa bansa gamit ang RT-PCR tests.
Pahayag ni Roque, napakataas ng efficacy rate ng brand ng antigen test na ito na aprubado aniya ng ating Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH).
Gagamitin aniya ang antigen test na ito sa mga house to house visitation ng mga medical frontliners at hinahanap ang mga sintomas ng virus upang agad madala sa mga isolation facility.