Posibleng sundan ng pamahalaan ang rekomendasyon ng Centers for Disease Control and Prevention na magturok ng ikaapat na dose ng COVID-19 vaccine sa mga Senior Citizens.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na hinihintay pa nila ang revision ng Food and Drug Administration FDA sa emergency use authorization na ipinagkaloob para sa mga ginagamit na bakuna.
Dagdag pa ni Duque, na nakasaad sa application ay first booster dose pa lamang.
Sa kasalukuyan ay wala pa aniyang datos na nakikita kung ano ang epekto o panganib na dala ang ikalawang booster shot sa katawan ng tao.
Binigyang diin pa ng kalihim na ang dapat munang tutukan ay ang pagbibigay ng booster sa eligible population na una nang nakatanggap ng primary vaccines.