Pursigido ang pamahalaan na mapahinto ang pagkalat ng sakit bunsod ng 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019 nCoV-ARD) sa bansa.
Ito ang tiniyak ng Malacañang sa harap na rin ng mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para agad matugunan ang nasabing problema.
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, hindi lamang ang Pilipinas ang humaharap sa banta ng 2019 nCoV-ARD, kung hindi ang buong mundo.
Dahil dito, inamin ni Panelo na nababahala na rito si Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa posibleng epekto nito sa ekonomiya ng bansa.
Una nang sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Ernesto Pernia na pumalo na sa mahigit p100-milyon ang malulugi sa Pilipinas sakaling tumagal pa ang nararanasang krisis na dala ng naturang virus.