Tiniyak ng Pilipinas ang tulong pinansyal sa Afghanistan bilang tugon sa apela ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs o OCHA.
Ayon sa Philippine Mission sa Geneva, Switzerland, nananatili ang Commitment ng Pilipinas na magbigay ng humanitarian support sa lahat ng nangangailangan.
Wala pang detalye ang Department of Foreign Affairs sa halaga ng ibabahagi ng Pilipinas sa Afghanistan.
Bukod sa ayuda, una nang inihayag ni DFA Secretary Teodoro Locsin na nagsimula na ring tumanggap ang Pilipinas ng mga Afghan refugee na tumakas sa malupit na pamamahala ng grupong Taliban.—sa panulat ni Drew Nacino