Siniguro ng pamahalaan na tuluy-tuloy ang pagtutok nila sa obligasyon nito sa karapatang pantao sa mga Pilipino, lalo na sa mga Internally Displaced Persons (IDP)o grupo ng mga taong napipilitang umalis ng kanilang tirahan o komunidad dahil sa karahasan o sakuna.
Ito ang tiniyak ni DSWD Undersecretary Vilma Cabrera sa idinaos na 32nd Regular Session of the Human Rights Council.
Ayon kay Cabrera, nakaagapay ang mga batas sa gobyerno na ang layon lamang ay maiwasan ang internal displacement at maprotektahan ang mga displaced person.
Ipinabatid ni Cabrera na nakatutok na ang pamahalaan sa pagbibigay ayuda sa mga IDP gaya ng pagbibigay ng pagkain, pagpapabalik sa kanilang mga orihinal na tirahan, pagbibigay ng relokasyon at ang pagtiyak na hindi na ulit mangyayari ang sapilitan nilang pag-alis sa kanilang mga tirahan.
By: Meann Tanbio