Isinisi ng Commission on Human Rights o CHR sa pamahalaan ang madugong Kidapawan incident na ikinasawi ng dalawang magsasaka at ikinasugat ng halos 200 iba pa, kabilang ang ilang pulis.
Sa 46 na pahinang report, binigyang diin ng CHR na nag-ugat ang protesta ng tinatayang 3,000 magsasaka mula sa hirit na bigas ng mga ito sa gobyerno dahil sa El Niño.
Partikular na tinukoy ng komisyon ang umano’y kabiguan ng provincial government ng North Cotabato na protektahan at isulong ang “right to food” at “freedom from hunger” ng mga magsasaka.
Subalit, nakahanap naman umano ng ebidensya ang CHR ukol sa alegasyon na ‘pinilit’ o inudyukan lamang ang ilan sa mga magsasaka para lumahok sa naturang kilos-protesta.
By Jelbert Perdez