Muli na namang natalo ang pamahalaan sa isa sa mga ill-gotten wealth cases nito laban sa yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos at asawang si Ginang Imelda Marcos.
Ang kaso ay may kaugnayan sa 11 real estate properties na nasa bansa, Hawaii at Rome, shares of stocks sa 19 na kumpanya, cash on hand at sa bangko, mga alahas, loans, mga sasakyan at tatlong Cessna aircraft kung saan nagsilbi di umano’ng dummy ng mag-asawa si Bienvenido Tantoco Sr.
Ibinasura ng Sandiganbayan ang kaso dahil sa sumusunod na dahilan:
- Apat lamang ang naiprisintang testigo ng prosecutors matapos pigilan na ng anti-graft court ang presentasyon ng dagdag na testigo dahil hindi nagpapakita sa hearing ang abogado ng pamahalaan.
- Ilang ebidensya ang hindi tinanggap ng Sandiganbayan dahil nabigo ang prosecutors na iprisinta ang mga ito sa discovery proceedings at pagbasura ng anti-graft court sa mga photocopies na dokumento.
Ito na ang ikalawang ill-gotten wealth case laban sa mga Marcos na naibasura ng Sandiganbayan sa loob lamang ng nagdaang dalawang buwan.