Target ng pamahalaan na magkaroon ng sapat na suplay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) para sana matiwasay nang maipagdiwang ng bawat Pilipino ang Pasko.
Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, 50-milyon hanggang 70-milyong Filipino ang nais mabakunahan na kontra COVID-19 ng gobyerno ngayong taon para maabot ang herd immunity sa bansa.
Ani Galvez, nais na nilang ideklara na magkakaroon ang Pilipinas ng mas masayang Pasko ngayong taon dahil sa maiibsan na ang epekto at takot laban sa nakahahawang sakit.
Giit ni Galvez, matatag na suplay ng bakuna kontra COVID-19 ang sikreto ng US, UK maging ng Israle at India.