Target ng administrasyong Duterte na makalikha ng aabot sa 2.4 hanggang 2.8 milyong trabaho ngayong taon.
Ito ay bilang bahagi ng employment recovery strategy ng pamahalaan para makabawi mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic sa labor market sa bansa.
Kahapon, nilagdaan ng iba’t ibang mga kagawaran ang joint memorandum circular na bumubuo sa National Employment Recovery Strategy Task Force.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, layun ng NERS ang makabuo ng mga opotunidad sa pagtatrabaho at pagpapahusay sa mga Filipino para makakuha ng trabaho habang ikinukunsidera ang mga pagbabagong idinulot ng pandemiya sa labor market.
Dagdag ni Nograles, kinakailangang makalikha ng halos tatlong milyong mga trabaho lalu’t inaasahan ang posibilidad ng pagtaas pa ng unemployement rate sa 2022 kung kailan inaasahang magtatapos na sa kolehiyo ang unang batch ng K-12 program.