Plano ng pamahalaan na ilaan ang vaccination program sa mga paaralan at unibersidad para sa paghahanda sa muling pagbubukas ng face to face classes sa bansa.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., target ng gobyerno na mabakunahan ang mga kabataan at mga estudyante para mapabilis ang pagbubukas ng in person classes.
Sa ika-15 ng Nobyembre, nakatakdang makilahok ang higit 100 pampublikong paaralan para sa pilot run ng face to face classes na naantala dahil sa pandemya.
Bukod dito, sinabi pa ni Galvez na nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga pulis at militar para sa pamamahagi ng mga COVID-19 vaccine sa malalayong parte ng bansa.