Tiniyak ni Presidential Communications Operations Office Secretary at Acting Presidential Spokesman Martin Andanar na patuloy na naghahanap ng solusyon ang pamahalaan para mabigyan ng tulong ang mga sektor na apektado ng walang patid na oil price increase.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Andanar na kabilang sa mga pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagbibigay ng ayuda para sa mga tsuper at pagbibigay ng suporta sa mga magsasaka.
Siniguro rin ni Andanar na handa ang pamahalaan na tulungan ang mga pinoy na maiipit sa girian sa pagitan ng Russia at Ukraine.