Tiniyak ng pamahalaan na walang magaganap na rotational brownouts ngayong tag-init.
Ito’y kahit may nakaambang yellow at red alert sa suplay ng kuryente.
Sinabi ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, na ang yellow alert ay indikasyon lamang ng pagnipis ng reserbang kuryente ngunit hindi ito nangangahulugan ng power interruption.
Habang ang red alert naman ay nangangahulugan ng mas kritikal na suplay ng kuryente, kaya’t kinakailangang patakbuhin ang iba pang planta o ipatupad ang mga mitigating measures.
Kaya naman, ipinunto ng opisyal na isa sa mga hakbang na inihahanda ng Department of Energy ay ang interruptible load program kung saan ang malalaking establisyemento na may sariling generator ay maaaring gumamit ng kanilang sariling power supply upang maibigay ang suplay ng kuryente sa ibang lugar na nangangailangan nito.
Layon nito na maiwasan ang posibleng rotational brownouts sakaling magkaroon ng red alert.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)