Tiwala ang gobyerno sa tagumpay ng antigen pilot testing para mapalakas pa ang local tourism na matinding hinagupit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang antigen test na nasa pilot run sa Baguio City ay nakikitang mura at mas mabilis na alternatibo sa RT-PCR testing na isa sa mga requirement para sa sinumang bibisita sa mga travel destinations na una nang binuksan sa publiko.
Ang pahayag ni Roque ay kasunod na rin ng obserbasyong iilan lamang ang nagtutungo sa mga tourist spots tulad ng Baguio City at Boracay Island matapos isara ng ilang buwan dahil sa mga kumplikadong requirements na itinakda ng mga otoridad.
Una na ring pinaboran ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang antigen test dahil sa bilis na paglabas ng resulta nito kumpara sa RT-PCR testing.