Kumpiyansa si Foreign Affairs Spokesman Charles Jose na nasa Pilipinas ang suporta ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Jose na maliban dito, umaasa din ang pamahalaan na ang Pilipinas ang papaburan sa inihaing kaso sa International Tribunal laban sa China.
Samantala, binigyang diin din ni Jose na walang konkretong pangako ang Amerika sa Pilipinas, hinggil sa usapin, at ang tanging nais lamang nito, ay matiyak ang malayang paglalayag sa naturang karagatan.
By Katrina Valle | Allan Francisco