Inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala silang natanggap na negatibong ulat hinggil sa ipinatutupad na pilot implementation ng alert level system sa Metro Manila.
Sa kabila nito, sinabi ni Roque na wala pang diskusyon kung ipatutupad rin ito sa mga lugar na nasa labas ng NCR.
Una na ring sinabi ng mga alkalde sa Metro na kuntento sila sa naging compliance ng mga business establishment sa mga unang araw ng implementasyon ng alert level system. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico