Inamin ng Department of Finance (DOF) na wala ng sapat na pondo ang pamahalaan upang makapamahagi ng subsidiya sa minimum wage earners sa bansa.
Ayon kay Finance Assistant Secretary at spokesperson Paola Alvarez tinitingnan na ng kanilang ahensiya ang panukala ng labor department na 24 billion pesos wage subsidy sa gitna ng pagtaas sa presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.
Nabatid na bukod sa 200 pesos relief sa mga piling tahanan na magmumula sa 33 billion pesos budget allocation, ang makatatanggap lamang ng ayuda ay ang mga nasa transport at sa agricultural sectors.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukala na mamahagi ng unconditional cash transfers na nagkakahalaga ng 200 pesos kada buwan sa “bottom 50%” ng mga pamilya sa bansa. —sa panulat ni Mara Valle