Tuloy- tuloy ang puspusang pagkilos ng gobyerno para maiuwi sa bansa ang nasa mahigit 100 Pilipino na nasa Afghanistan pa.
Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos maibalik sa bansa ang 32 Pinoy at target pang mapauwi ang labing siyam na iba pa.
Kasunod na rin ito nang tuluyang pagsakop ng taliban militants sa capital city ng Kabul matapos i-pull out ni US President Joe Biden ang US troops sa Afghanistan.
Pinayuhan ni Roque ang mga Pilipino na kaagad makipag-ugnayan sa embahada ng gobyerno sa nasabing bansa para sa agarang repatriation ng mga ito.
Ipinabatid ng DFA na kasado na ang flight ng 30 mula sa 130 Pinoys sa Afghanistan patungong Doha, Qatar.