Walang plano ang pamahalaan na ipawalang bisa , pa amyendahan o ihinto ang implementasyon ng Rice Tariffication Law.
Sa kabila ito ng report na ang Pilipinas na ang nangungunang rice importer sa buong mundo at patuloy na pagbagsak ng presyo ng palay na umabot na lamang sa sampung piso ang kilo.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez lll, kumbinsido sila na ang Rice Tariffication Law pa rin ang pinaka epektibong paraan upang umusad at maging competitive ang agrikultura ng bansa.
Sinabi ni Dominguez na umabot sa isang bilyong piso ang nakolektang taripa sa mga imported na bigas mula Enero hanggang Oktubre lamang ng taong ito.
Ang pondo ay gagamitin sa mass irrigation, warehousing at research para sa produksyon ng bigas.