Pamahalaang walang utang na loob.
Binigyang diin ito sa DWIZ ni dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol kasunod nang pagdidiin sa kanya sa mga umano’y anomalya sa transaksyon sa MRT.
Ayon kay Vitangcol, maraming mga programa siyang isinulong noon na hindi naman pinayagan subalit ipinatutupad na ngayon.
“Ang pamahalaang pong ito ay pamahalaang walang utang na loob, napakarami po ng inayos natin sa mRT, kung tiitgnan niyo po yung lahat ng ginawa natin eh wala pong nakagawa niyan doon sa unang 13 taon ng MRT, meron po tayong mga inirekomendang project na hindi naman agad na inaksyunan ng DOTC, kung makikita niyo nga po meron tayong mga project na dinis-approve noon pero ngayon ini-implement nila.” Ani Vitangcol.
MRT contract
Tanging hanggang P10 milyong piso lamang kada kontrata sa MRT.
Ito ayon kay dating MRT General Manager Al Vitangcol ang nangangailangan ng kanyang approval base na rin sa kanyang position level.
Iginiit sa DWIZ ni Vitangcol ang kanyang pagtataka sa patuloy na pagdiin sa kanya sa anomalya umano sa MRT gayung mas may matataas na opisyal pa sa kanya.
“Ang paratang sa atin ng Ombudsman tayo daw ang nag-award, eh ang sagot ko diyan, wala akong poder wala akong kapangyarihan na mag-award ng kahit anong kontrata, ang approving authority ko po eh hanggang P10 million pesos lamang ang per project, yun pong pag-approve niyan ay wala po sa akin at nasa DOTC po.” Pahayag ni Vitangcol.
By Judith Larino | Karambola