Umaaray na ang pamahalaang bayan ng Pandi, Bulacan sa pagdami ng mga miyembro ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa kanilang lugar.
Ayon kay Pandi mayor Celestino Marquez, nasa dalawampung libong miyembro na ng Kadamay ang nananatili sa mga government housing project na kanilang inokupa, simula pa noong Marso.
Gayunman, hindi anya kakayanin ng local government ang hirit ng Kadamay na magkaloob ng kabuhayan sa napakalaking bilang ng mga settler kaya’t dapat ng manghimasok ang national government.
Ipinaliwanag ni Marquez na limitado ang mga trabaho sa Pandi, kung mayroon lamang magagandang kalsada ay maka-hihikahayat ito ng mga investor at sa halip na magbigay ng mga livelihood training ay karagdagang trabaho na lamang ang ipagkaloob.
Giit ng alkalde, tila imposibleng makuntento ang Kadamay sa libreng pabahay kaya’t dapat ng magpasok ang pamahalaan ng investments na magbibigay trabaho para sa mga miyembro ng Kadamay.
By Drew Nacino
Pamahalaang bayan ng Pandi umaaray na dahil sa pagdami ng miyembro ng Kadamay sa kanilang lugar was last modified: April 23rd, 2017 by DWIZ 882