Nagpaliwanag ang Pamahalaang Lokal ng Maynila hinggil sa itinakdang entrance fee sa bagong ayos at bihis na Manila Zoo.
Kasunod ito ng mga natatanggap na reklamo at panawagan na gawin itong mas mura sa mga bibisita sa nasabing parke.
Ayon sa Manila Government, may upkeep ang Manila Zoo para mapanatiling maganda at nasa maayos ang sitwasyon ng mga hayop sa loob nito.
Ang naturang Entrance ay gagamitin umano para sa pag-aalaga ng mga hayop at rehabilitasyon ng buong Manila Zoo.
Nilinaw din ng pamunuan na hindi kaya na gawing libre o lagyan ng discount ang entrance fee nito dahil baka magreklamo ang Animal Rights kaugnay sa pangangalaga ng mga hayop sa Manila Zoo.