Nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Makati na ito ang nagma-may-ari ng Bonifacio Global City kahit pa naglabas na ng ruling ang Court of Appeals na bahagi ang B.G.C. ng Taguig.
Nilinaw ni Makati Legal Officer at Spokesman Michael Arthur Camiña na pinagtibay lamang sa naturang ruling ang naunang desisyon ng C.A. sa kaso kung saan inakusahan ng Taguig ang Makati ng forum shopping.
Hindi naman anya tahasang pumapabor ang pasya ng appellate court sa Taguig alinsunod sa hiwalay nitong ruling na nagpapatibay sa ownership ng Makati sa B.G.C. kung saan hindi lamang nabigo ang Taguig na magsumite ng kongkretong ebidensya bagkus ay nagsumite rin ito ng mga pekeng dokumento sa Korte.
Iginiit ni Camiña na ang claim ng Makati ay batay sa legal at historical evidence na hindi pa napag-de-desisyunan o nababaligtad.
Sa October 3 ruling, inihayag ng Special Former sixth division ng C.A. na nabigo ang Makati na maglatag ng bagong grounds upang igiit ang pagbaligtad sa March 8 resolution na pumapabor sa Taguig.
Sa kabila nito, hindi pa natatanggap ng Makati City hall ang kopya ng desisyon ng C.A.