Hinimok ng pamahalaang panlalawigan ng Albay ang mga LGU sa lugar na tangkilikin ang mga produkto ng mga naapektuhang magsasaka at mangingisda ng nagaganap na pag-alburoto ng bulkang Mayon.
Ayon kay Provincial Agriculturist Cheryl Rebate, malaking tulong ang pagbili ng mga ani ng mga lokal na magsasaka para matiyak na hindi sila mauuwi sa pagkalugi.
Nabatid nasa 5,000 na magsasaka ang naapektuhan ng pag-alburoto ng bulkan.
Suhestyon ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na ang mga agri-fishery products na bibilhin mula sa mga lokal na producer ng lalawigan ay maaaring isama sa food packs na ipinamamahagi sa evacuees na kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation centers.
Kaugnay nito, ang pamahalaan ng Albay ay naglaan ng halos P3-M na budget bilang pambili ng mga lokal na produkto ng mga mambubukid.