Nagpasaklolo sa Commission on Human Rights (CHR) ang isang grupo ng mga mangingisda dahil sa ‘red-tagging’ sa kanila ng mga miyembro ng local anti-communist task force sa Palawan.
Ayon kay Pamalakaya (Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas) chairman Fernando Hicap, dapat aksiyunan ng CHR ang ginagawa sa kanila ng task force partikular ang pagturing umano sa kanila bilang mga rebelde at mga taga-suporta ng New People’s Army (NPA).
Giit ni Hicap, karaniwan nang nararanasan ng mga biktima ng extrajudicial killing sa bansa na bago sila patayin ay nagiging biktima pa ng red-tagging.
Matatandaang kamakailan ay nagpahayag din si CHR commissioner Jacqueline De Guia na ang akusasyon laban sa ilang grupo o indibidwal bilang komunista ay dapat patunayan sa Korte.