Naging madamdamin ang pamamaalam ni Senator Juan Ponce Enrile sa senado na kanyang sinerbisyuhan ng 27 taon.
Ayon kay Enrile, sa naturang mga taon ay sinikap niyang ibigay ang lahat ng kanyang makakaya para maserbisyuhan ang taong bayan.
Nagpasalamat at umapela rin ng pang-unawa si Enrile sa kanyang mga naka-trabaho at nakasama sa senado.
Opisyal nang tinatapos ni Enrile ang kanyang 50 taong serbisyo sa bansa na nagsimula pa noong Enero 1966.
Plano ng 92 anyos na senador na mangisda at magtanim na lamang sa kanyang hometown sa Cagayan matapos ang kanyang pagreretiro sa pulitika.
By Rianne Briones