Aprubado na ng California Central District Court sa US ang pamamahagi ng halos sampung milyong dolyar sa libu-libong biktima ng human rights abuse noong panahon ng martial law bilang danyos perwisyo.
Sa desisyon ni Judge Manuel Real na mahigit dalawang dekada nang humawak sa kaso ng umano’y tagong yaman ni dating Pangulong Ferdinand Marcos dapat tumanggap ang nasa 6,500 biktima ng hanggang 1,500 dollars.
Magsisimula ang pamamahagi ng pondo sa anim na lungsod sa Mindanao sa Mayo at magpapatuloy sa siyam na iba pang lungsod sa Hunyo at Hulyo.
Ayon kay Atty. Robert Swift, lead counsel ng mga biktima, kabilang din sa mga tatanggap ang mga biktimang naninirahan sa Estados Unidos.
Nilagdaan ang kautusan matapos ang maibenta sa halagang 32 million dollars ang Monet Painting na kabilang sa koleksyon ni dating first lady Imelda Marcos.
—-