Halos 100% nang natapos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng second tranche ng social amelioration program (SAP).
Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Paje, umaabot na sa P83.5-B na pinansiyal na tulong ang kanilang naipamigay sa tinatayang 13.9 million na benepisyaryo.
Katumbas na aniya ito ng 98% na accomplishment rate para sa ikalawang yugto ng SAP.