Posibleng hindi na kakayanin pa ng gobyerno na magbigay ng “pandemic aid” sa mga mahihirap kung magpapatupad ng hard lockdown ayon sa think tank.
Sinabi ni Zy-Za Suzara, Exec. Dir. ng Institute for Leadership, empowerment and democracy o ILEAD, pinalano ang 2021 budget sa senaryo na “business-as-usual” kung saan naka-pokus pa rin sa mga infrastracture projects sa gitna ng patuloy na nararanasang pandemya.
Binigyang prayoridad din umano sa 2021 budget ang Office of the President at mga sangay na ahensya nito, public works, Pulis at militar.
Giit ni Suzara, wala talagang pera ang gobyerno para sa ayuda sa kasamaang palad aniya, hindi naglaan ang economic managers ng sapat na pondo para sa ayuda nuong kanilang inihahanda ang budget nuong nakaraang taon.